Wednesday, March 18, 2009

Filipino Style

Hello mga katoto, kaibigan, kabarkada, kalaro, kababata, mga uto-uto, mga kapuso't kapamilya!!!!

may itsi-tsika lang ako sa inyo. Alam nyo na ba ang latest? ang hottest news ngayon? Ako alam ko.

Sa aking pagmamasid sa aking kapaligiran araw-araw( or should i say 'pagtunganga') ay may napapansin ako. Ang porma ng mga pilipino.Iba't-iba. May makukulay at merong ding masakit sa mata dahil stick to one siya. Kaya heto, sige basa na!

1. Stick to status Quo
-yan ang drama ng mga lolo't lola nyo.Kasi naman, kung ano ang kulay ng sandalyas ay ganun din ang kulay ng bag, damit, pantalon pati kuko at mga bling- bling sa katawan. Faithful!!!!

2. Rainbow boy and girl:
- sila naman ang mga taong di makutento sa iisa o dalawang kulay lang. Minsan (madalas ata eh?), nakairita sa mata ang mga taong ito. Pula sa paa, pink ang pantalon, white ang damit, violet ang bag, at may nail art pa!!! astig pati yung bling- bling, iba't ibang kulay di. Para silang rainbow in the sky.

3. Patong- patong:
- mga Pinoy na hindi makutento sa isang damit lang. May underwear na, may shorts pa, then another short tapos pants. sa itaas naman ay sando, then t-shirt then jacket. pag nakita mo sila, hindi mo maiiwasang magtanong na" malamig ba?" Sila rin ay yung mga taong walang awa sa mga labandera nila or sa mga nanay nila. Tini-tiis kahit na namamawis na aang mga kasingit- singitan nila. Applicable lang ito sa mga lalaki yan ay ayon sa aking masusing pagmamasid. P.S.- Magtakip ng ilong pag sila'y naghubad na dahil iba, iba talaga ang amoy nila.

4. Saan mo hinugot iyan?
- mga taong ang damit ay naninilaw na kung tutuusin ay dating puti at nangungupas na pantalon. Parang sa kinuha nila ang kanilang mga damit sa baul pa ng kalolohan at kalolalolahan pa nila.

5. Aktibista:
- mga taong akala mo ay laging pupunta sa isang rally. May nakataling bandera sa noo at sandong basang- basa ng pawis.

6. Emo:
- sila ay yung mga fit ang pantalon at sinasabi ng iba na mukhang dugyot. pero infairness ay may classmate akong emo pero maganda. Anyways, Mag-ingat ka sa kanila kapag nakasalubong mo sila dahil baka gawin ka nilang panabit sa kanilang mga bag!!! Sige ka, gusto mo bang maging tapa?

Yan ang kasama sa mga listahan ko. Next time, magiging mas mapagmasid upang maihatid sa inyo ang latest chika!!!!!!

sige na, Baboooo!!!!!!!

Monday, March 9, 2009

kapalpakan

"ma', pahingi nga pong sawsawan, yung matamis." sabi ko isang araw.
" Sige, oh, etong SUKA" nakangiti pa nyang abot sa akin.
Nagulantang ako sa isinagot nya sa akin. Muntik na kong tumawa ng malakas sa aking pwesto pero naawa na lang ako kay manong. kaya pinigil ko na lang.Meron ba namang matamis na suka? Kung meron penege at ng hindi ako nangingiwi tuwing kakain ako ng tuso-tusok over sa kanto.

Habang nginunguya ko yung aking biniling leeg ng manok na may dugo-dugo pa, napagtanto ko, ang dami pa lang kamalian ang meron sa paligid ko. eto sila:

1. Sa aking pinuntahang swimming pool at announcement na nakadikit sa pader nito. Magbabanyo sana ako ng mabasa ko ang sign board nila. it reads" (left arrow) Ladies. (right arrow) MENS" Susmaryosep! plural na nga yung men eh dinagdagan pa ng "s". Tsk. pinabago ko nga kaya lang walang pumansin sa akin.HMP! BITTER na ko sa kanila!

2. Isang kanto malapit sa lugar namin. May signboard din na nakalagay " No Entry" Sa ibaba nito may nakalagay na Tricycle at single motor. Kaya walang nagdadaan dito kundi puro truck and other heavy vehicle na lagi namang sinisita ng tanod. Kaya naglakas-loob na akong magtanong (may pagka- intrimmitido at pakialamero rin kasi ako eh) at yun pala ang pwede lang na pumasok doon ay Tricycle at single motor. Sus!!!!!!!! Ang gulo talaga.

3. Sa school naman namin nung high school pa ako, may pinapakopya ang guro ko noon. Ang katabi ko ay reklamo ng reklamo, hindi niya daw makita. Nagulat ako dahil wala namang nakaharang na tao sa harap namin bilang kami ang nasa harap. Yun pala malabo ang mata at hindi lang maintindihan ang akala ko ay bulag na. Tsaka!

Grabe no? andami nating mga kamalian sa buhay na hindi na ata maia-alis sa ating mga pinoy.